Wednesday, February 7, 2007

Sigaw ng kabataan... bakit napakaraming BAWAL???!!!



MGA KARANIWANG IPINAGBABAWAL SA KABATAAN:



PAG-GAMIT NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT... (BAWAL NANAMAN?!!)

Mga kaalaman sa gamot
Ang Gamot

Sa pang araw-araw na pamumuhay, paminsan-minsan ay nakakaranas tayo ng pagsama ng pakiramdam, pagsakit ng ulo at tyan,gayundin ang pagkakaroon ng iba pang palatandaan ng pagkakasakit. Sa ganitong sitwasyon, ang paggamit ng gamot ay nagiging karaniwan. Maaaring ipinayo ito ng isang manggagamot,nars, o isang kaibigan o dili kaya nabasa sa isang anunsyo.
Sa kasalukuyan, napakaraming naiimbentong gamot na makakabuti sa ating katawan. Ngunit sa kabilang banda ay dumarami rin ang naiimbentong bawal na gamot. Hindi ito kataka-taka sapagkat umuunlad ang teknolohiya natin. Maganda ang pag-unlad ngunit my kaakibat na problema ang bawat pag-unlad.


MGA PAG-ABUSO SA GAMOT

Ang pag-abuso sa gamot ay ang paggamit sa mga ito ipinagbabawal man o hindi. May mga katapat na parusa ang mahuling nagbebenta at gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Malaki ang epekto nito at nakakapinsala sa katawan,damdamin at higit sa lahat sa pag-iisip.


MGA BAWAL NA GAMOT

Marijuana
Shabu
Cocaine
Ragbi



MGA KARANIWANG DAHILAN SA PAGGAMIT NG DROGA
Alam natin na karaniwan na ang problema sa buhay ng tao. Narito ang karaniwan sa mga dahilan ng mga kabataan kung bakit sila gumagamit ng bawal na gamot:

1. sirang pamilya (broken family)
2. mga masasamang barkada o prat
3. gustong makalimot sa dami ng problema
4. gustong subukan o curious


MGA EPEKTO NG DROGA

Sa paglanghap ng bawal na gamot o droga, malaki ang nagiging epekto nito sa ating kalusugan. Narito ang ilan sa mga masasamang epekto ng bawal na gamot sa ating katawan at pag-iisip:

1. pagkasira na utak sa buto (bone marrow)
2. pagkasira ng pag-iisip
3. hirap sa paghinga
4. pinsala sa atay at baga
5. paghina ng resistensya ng katawan
6. pagkabalisa
7. malnutrisyon


MAGAGAWA NG MGA KABATAAN

Bilang isang kabataan,malaki ang magagawa natin sa lumalalang problema natin sa droga. Sa halip na magpakaadik tayo sa droga, ibaling nalang natin an gating atensyon sa mga isports. Tulad ng mga indoor at awtdor na laro. Maaari rin naman sa pag-aaral muna ituon ang atensyon. Sa ganitong paraan mababawasan natin ang paglaki at pagdami ng bilang ng mga kabataang nalululong sa bawal na gamot. Dahil sa totoo lang, wala naman maitutulong na maganda ang droga sa ating katawan.


PANAYAM

Dito sa aming lugar ay may dalawa akong nakapanyam.Sila`y nakagamit na ng bawal na gamot.Pero ngayo`y pareho na silang huminto sa paggamit nito.Ang isa sa kanila`y ilang beses pa lang nakakagamit nito at isa din syang kabataan tulad ko.
Ang una kong nakapanyam ay ito ngang kabataang tulad ko isa ko ring kaibigan.Ayon sa kanya,hindi niya talga kagustuhang gumamit nito.Nang unang beses nyang gumamit nito`y nakikipag-inuman siya sa isa nyang kakilala.Sinubukan niya ito dahil sabi sa kanya`y mabuti daw iyon sa katawan.Nang kanya naming itong subukan ay para daw bumuti yung katawan niya.Hindi raw siya madaling mapagod at para day siyang manhid.Hindi siya nasasaktan.Mahilig din kasi siya sa basketball,dun niya nakita epekto ng drogang ginamit niya.Pero itinigil niya agad ang paggamit nitodahil sa nakita niyang paghuli sa isang adik malapit saming lugar.
Ang isa ko pang nakapanyam ay taga rito rin sa may amin.Isang taong nagbabagong buhay para sa kanyang pamilya.Dalawang beses na siya nakulong dahil sa droga.Mahirap matigil ang paggamit ng droga ayon sa kanya.Ilang beses na niyang sinubukang pigilan ito kaso di niya magawa dahil sa magandang epekto nito sa kanya.Para daw laging masigla ang kanyang katawan kapag gumagamit siya nito.Wika pa niya`y,”Kung ako`y isang panabok na manok ya malaki ang tyansa kong manalo dahil parang laging nasa kondisyon ang katawan ko”.Pero ng matagal na daw siyang gumagamit nito`y iba na ang eprkto nito sa kanya.Hindi niya mapigil ang kanyang emosyon.Madali siyang magalit.Madalas nga siya mapaaway dahil sa kanyang mabilis na pagkagalit.
Iyan ang karagdagang inpormasyon tungkol sa aking dalawang nakapanayam.Sila`y parehong nagsisi sa paggamit nila nito.Madalas nga ay aking naririnig tuwing pagkatapos kumanta ng isa kong nakapanayam ay lagi niyang idinurugtong yung speech niya.Iyon ay yung speech niya ng pagsisi.Ang aking napuna sa pakikipagpanyam ko sa dalawang ito ay para bang nasabi ko sa sarili ko na kaya naman nating makontrol angh sarili natin para hindi gawin ang bawal ay bakit pa hinihintay natin na may mangyari pang di maganda.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAKIKIPAGTALIK (PREMARITAL SEX)... (BAWAL NANAMAN?!!)

Bakit nga ba ipinagbabawal ang premarital sex? simple lang ang sagot kaibigan. Sapagkat ang pagsasagawa ng premarital sex ay nagbubunga ng napakaraming masasamang bagay na maaaring sapitin ng kabataang nagsasagawa.

Isa na dito ang pag-aasawa ng wala sa oras. Ito ay isang dilema na mahirap lusutan. Ang pag-aasawa ng wala sa tamang oras ay nagdudulot ng matinding pagdurusa. Na maaari ding maging sanhi o humantong sa maagang pagkasira ng isang pamilyang binuo.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAGBABASA NG MGA PORNOGRAPIYA... (BAWAL NANAMAN?!!)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAGINOM NG ALAK NA WALA SA WASTONG GULANG... (BAWAL NANAMAN?!!)


Abuso sa alkohol

Ano ang mga problema sa paginom? Gaano kaseryoso ang abusong paginom ng alkohol sa ating mga kabataan? Ano ang nasa likod ng lasing na pagmamaneho? Anu-ano ang mga bagay na makakatulong sa alcoholismo. ( alcoholism)


Mga Datos:

Ang alkohol ay may calories, pero ang paginom ng alkohol ay hindi nakakapagpataas ng timbang, sinasabi ng mga pagaaral na nakakapagpababa pa nga daw ito ng timbang sa mga babaeng umiinom.

Ang dahilan na ang alkohol ay di nakakapapadagdagtimbang ay hindi parin ganoon ka linaw. kung kayat kung ang iba ay ginagamit ito sa pagpapapayat o anu paman mabuti ng itigil ito dahil baka sakit pa ang matamo nila dito. Ang alkohol din daw ay sinasabing nakakapagpabilis ng metabolismo na nagreresulta na ang mga kalories ay masunog kaysa sa maiimbak ito sa ating katawan. Ang ibang mga pag-aaral din ay natyklasan na habang tumataas ang paginom ng alak ang sugar naman sa ating katawan ay bumababa.
Ang mga basehan ng mga ito ayang mga libo-libong pagaaral na ginawa ng mga sayantipiko sa buong mundo. ang ilan sa mga pagaaral na ito ay gumamit pa ng mga 80,000 - 140,00 na mga tao bilang mga specimen sa kanilang mga pag-aaral. Ang alkohol ay walang taba(fat), walang kolesterol (cholesterol), at napakaliit na sodium. Tama din na ang alkohol ay may halaga sa ating kalusugan, sinasabi nga na ang tamang painom ng alkohol ay nagreresulta daw ng masmagandang kalusugan at mas mahabang buhay. Ngayon na tayo ay nasa moderno na masmasasabi nating ang alkohol ay may mas nakakasamang epekto dahilan na din sa mga gumagamit o umiinom nito.



Ano ang abuso sa alkohol?

Ang iba sa mga kolehiyong estudyante namalakas uminom at nagrertesulta sa pagsusuka ay hindi isang halimbawa ng abuso sa alkohol pero itoy masasabi lamang na katuwaan(good time) kasama ang kanilang barkada at para masabing sila'y "one of the gang."
Ang iba sa mga relihiyon ay nagpapatupad ng sinasabing "abstinence" ang simpleng pagtikim ng alak ay hindi abuso sa alkohoil pero isang kasalanan.

Sa mga kaye kadalasan ang aksidente ay kaugnay ng alkohol gaya ng aksidente sa kotse, nasagasaan, mga krimen at iba pa.


Dahilan kung bakit umiinom:

1. Barkada
Impluwensya ng barkada kung bakit natututong uminom ang ibang kabataan.

2. Interesado (curiosity)
Interesado silang malaman kung ano ang lasa o feeling ng umiinom.

3. Mga problema
Gusto nilang makalimot sa mga problema kahit panandalian lamang.

4. Pagiging moderno maling pakakaintindi
Sa panahon ngayon akala ng mga kabataan kapagumiinom ka ay moderno kana o sikat ka dahil ginagawa nila itong batayan para masabing sila ay "in", "astig" at iba pa ang di nila alam na masnakakasama pa ito sa kanila.

* marami pang kadahilanan kung bakit ang isang to ay umiinom at ilan lang ang mga nabanggit doon.


Mga panayam:
Sumasagot kung papaano sila natutong uminom at bakit sila umiinom...

Erik: Natuto ako dahil sa mga barkada ko. Bakit ako umiinom? ummm... wala lang..

Saly: Wala, Sinubukan ko lang.

Medrik: Natuto ko sa papa ko, tagay-tagay lang muna tapos yun na. Minsan umiinom ako pag kinakabahan o may problema.

Angel: Eh, di talaga ko sanay uminom, pero nakakainom ako minsan pagnapipilit ako ng kabarkada ko.

*Ang mga pangalang nabanggit ay hindi ang tunay na mga pangalan ng mga nakapanayam.


Tips para sa tamang paginom:

Alamin ang iyong limitasyon. kung di ka sigurado gumawa ng eksperimento sa bahay kasama ang mga kamag-anak at sabihin sa kanila ang nais mong gawin at malaman.Kumain ng pagain bago o habang umiinom, lalo na ang mga pagkain na mayaman sa protina dahil tutulong ito na bumagal ang iyong pagkalasing.Huwag kang makiokipagkumpitensya sa paginom o sasali sa mga kontest kaugnay nito. Uminom ka kung talagang nais mo lang, kung may nagpapainom sa iyo o nagpapatagay subukan itong tanggihan hanggat maaari marami pang mga paraan kung papaano makakaiwas sa paginom ang tanging kailangan lamang ay disiplina sa sarili.

















-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PANINIGARILYO... (BAWAL NANAMAN?!!)



Isa sa mga kinahaharap na suliranin ng kabataan sa panahon natin ngayon ay ang pagkalulong sa masasamang bisyo na nakapagdudulot ng kasamaan sa kanilang kalusugan. nangunguna dito ang paninigarilyo.

Anu-ano ang mga dahilan ng paninigarilyo sang-ayon sa mga kabataan?

Napapaloob dito ang ilan sa mga dahilan ng kabataan kung bakit sila naninigarilyo. Ang mga pangalang nabanggit ay hindi ang kanilang tunay na pangalan sa dahilang pangsiguridad para sa kanilang sarili.

Mga dahilan:

1. Nerbiyos (tense)
Daniel: Ako ay naninigarilyo sa tuwing ako ay ninenerbiyos. Para sa akin, gumagaan ang aking pakiramdam sa tuwing ako ay naninigarilyo.

2. Barkada
Ted: Ang barkada ko ang nagturo sa akin kung paano manigarilyo.

3. "In" ka o pasok sa uso
Ana: Para sa akin, hindi ka "in" kapag hindi ka naninigarilyo.

4. Pampalipas oras
Kim: Wala kasi akong magawa sa amin eh, kaya naninigarilyo nalang ako.

5. Problema sa pag-ibig, pamilya, pera
Juan: Natuto akong manigarilyo kasi ang dami kong problema. Hindi ko alam ang gagawin ko para masolusyonan ang aking mga problema kaya idinadaan ko nalang sa paninigarilyo.

6. Trip lang
Ken: Wala lang, gusto ko lang manigarilyo.

7. For experience
Tan: Gusto ko lang maramdaman kung anong feeling ng paninigarilyo.


Ano ang paninigarilyo?

Ang paninigarilyo ay isang gawain kung saan tayo ay nagpapasok ng usok sa ating katawan. Laganap ang paninigarilyo hindi lamang sa ating bansa maging sa buong mundo.

Sankap ng paninigarilyo:

Ang sigarilyo ay nagtataglay ng mga sangkap na lubos na mapanganib para sa ating kalusugan. Ang pangunahing sangkap nito ay nikotino (nicotine) na lubos na nakakasira sa ating sympathetic nervous system. Ang usok nito ay nagtataglay ng apat na libo (4,000) na kemikal. Apatnapu't tatlo (43) dito ang nakapagdudulot ng sakit na cancer. Kabilang dito ang mga sangkap na polycyclic hydrocarbons, beta naphthylamines, nitrosamines, ammonia, formaldehyde, oxides of nitrogen, carbon monoxide at iba pa.



Epekto ng paninigarilyo:

Karaniwang ang nagiging sakit ng mga taong naninigarilyo ay kanser sa baga. Bukod dito, nagkakaroon din ng komplikasyon sa iba't-ibang parte ng katawan tulad sa bato, atay at dugo. Madalas, ang mga taong labis sa paninigarilyo ay namamatay ng mas maaga kaysa sa mga taong hindi naninigarilyo.

Pinahihina din nito ang pag-iisip ng isang tao. Sa katagalan, nagdudulot ito ng paghirap sa paghinga at pagtaas ng lebel ng karbon sa ating dugo na nakakasama lalo na sa ating puso.

Buhay ng tao:
30-42 taon: Mga taong naninigarilyo
55-65 taon: Mga taong hindi naninigarilyo

Sa datos na ito, makikita ang iksi at haba ng buhay ng mga taong naninigarilyo sa mga taong hindi naninigarilyo. Kung ating mapapansin, labing-tatlo (13) ang taon na nawawala sa buhay ng isang tao kung siya ay lubos na naninigarilyo.

Sa makatuwid, walang mabuting maidudulot ang paninigarilyo hindi lamang sa ating kalusugan pati na din sa mga taong nakapaligid sa atin.

Larawan ng mga karaniwang sakit na nakukuha sa paninigarilyo:












kanser sa baga


Ang Paninigarilyo
Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.
Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.
Ang paninigarilyo ay ang pangunahing sanhi ng sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake ng hika.
Ang paglanghap ng usok ng sigarilyo (secondary moke) ay nakaka-apekto din sa kalusugan.
Ang Sigarilyo
Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser.
Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran.
Ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-adik dito.
Ang usok ng sigarilyo ay mayroong carbon monoxide na siya ring ibinubuga ng mg tambutso ng sasakyan.
Ang tar ay nagpapadilaw ng ngipin at mga daliri.
Epekto ng Paninigarilyo sa Kalusugan
Ang paninigarilyo ay nakaka:
pangit
kulubot ng balat
mabahong hininga
baog
Ito rin ay pinakamadalas na sanhi ng:
atake sa puso at stroke
pagtaas ng blood pressure
paglapot ng dugo
kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog
low birth weight at birth defects ng sanggol sa sinapupunan
katarata at pagkabulag
Ang lahat ng ito ay makikita rin sa mga palagiang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo.
Maninigarilyo ka pa ba?
Mga Dapat Gawin!
Huwag magsimula.
Kung naninigarilyo na, huminto agad.
Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon mong huminto.
Huwag pumasok sa kwartong may naninigarilyo.
Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation clinics. Source by: DOH

Maraming mga kabataan ngayon ang nalululong sa mga ibat-ibang bisyo gaya ng pagsisigarilyo, pag -inom at pagkalulong sa ibat-ibang droga.Dapat mapuksa ang ganitong klaseng mga bisyo dahil pagtagal ,mahahantong sa di mabuting sitwasyon ang mga kabataan.Dapat lang na magtaguyod ang ating pamahalaan ng mga proyekto para sa mga kabataan na tulad ko upang mapahantong sila sa mabuting kalagayan.









MGA RESULTA: